December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ellen Adarna, 'di bet pagiging padede mom

Ellen Adarna, 'di bet pagiging padede mom
Photo courtesy: Ellen Adarna (IG)

Nilinaw ng actress-model na si Ellen Adarna ang isang bagay na hindi raw niya gusto pagdating sa motherhood o pagiging isang ina.

Matatandaang kamakailan lamang ay nagsilang na si Ellen ng kanilang anak ng mister na si Derek Ramsay, bagay na ikinagulat ng lahat, dahil hindi naman sila todo-post sa social media tungkol dito.

Basta na lamang bumulaga sa socmed ni Derek na nanganak na si Ellen, noong Oktubre, sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Anyway, sinabi ni Ellen na kahit hindi niya first time maging nanay, ang ayaw raw niya sa motherhood ay breastfeeding o pumping.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Ang pumping ay isang manual na proseso ng pagpiga sa dibdib ng isang nagpapasusong ina at inilalagay ito sa bote, para may reserba.

"The thing i don't like the most. Breastfeeding / pumping," saad ni Ellen sa text caption ng kaniyang larawang ibinahagi sa kaniyang Instagram story.

"If you enjoy it, good for you lol," saad naman ni Ellen sa lahat ng breastfeeding moms na okay lang sa kanila ang pagpapasuso.

Photo courtesy: Ellen Adarna (IG) via Fashion Pulis

Bukod dito, nasabi rin ni Ellen na hindi rin niya bet ang pagsasagawa ng "gender reveal" at "baby shower."

MAKI-BALITA:  Ellen Adarna 'di trip ang gender reveal, baby shower