Tila inaayos pa ni Victorias City, Negros Occidental Mayor Javi Benitez ang kaniyang puso matapos niyang kumpirmahin ang hiwalayan nila ng aktres na si Sue Ramirez.
Sa latest Facebook post ni Benitez kamakailan, nagbigay siya ng paalala sa mga nagsusumite umano ng application para maging girlfriend niya.
“Sa mga ga-submit sang application para mangin girlfriend ko, 'Closed for Renovation’ pa kita subong! [Sa mga nagsusumite ng aplikasyon para maging girlfriend ko, 'Closed for Renovation' pa rin kami!]” saad ni Benitez.
Dagdag pa niya: “Focus lang kita sa ubra kag kampanya anay. Mga Maritess, relax lang kamo ha! [Focus na lang muna tayo sa trabaho at kampanya. Maritess, relax lang].”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang hirit na ito ng mayor. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon:
"Good one Mayor Javi. Life needs some humor sometimes.... opt for quality materials next time na kahit si Kristine di niya kayang wasakin.. chill lang hehe"
"Yor Laban! "
"Kawawa Mayor si Sue ngayon.Ang mga bashers kasi,pangit ang mga comment nila about Sue...napapailing na lang ako.Mabait at Caring si Sue Ramirez.Siguro mahal na mahal ka ni Sue.Makikita kasi sa mga mata niya na may tinatagong sakit sa puso niya.True love ka ni Sue,wala lang siyang magawa kasi........."
"Jusko yor! HAHAHAHA"
"Take your time mayor...Dadating din yan sa tamang panahon."
"Do everything with a good heart and expect nothing in return, and you will never be disappointed. Ayos lang na Yor ah. Wala pa matapos ang libro mo sa lovelife. May chapter 2 pa."
"go lng Mayor ipagpatuloy ang iyong na simulan mga taga Victoriahanon always support simo, God bless"
Matatandaang kinumpirma ni Benitez ang breakup nila ni Sue matapos lumutang ang mga larawan nito kasama ang aktor na si Dominic Roque sa isang bar sa Siargao.
MAKI-BALITA: Javi Benitez nagsalita na patungkol sa hiwalayan nila ni Sue Ramirez
Pero bago pa man ito, tila nauna nang natunugan ni showbiz insider Ogie Diaz na split na sina Sue at Benitez dahil wala nang recent photo ang dalawa nang magkasama.
MAKI-BALITA: Sue Ramirez, hiwalay na raw sa jowang mayor?