December 22, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!
Photo courtesy: Star Cinema/Facebook

Tila hindi maitatanggi na inabangan nga ng mga fans ang pelikulang “Hello, Love, Again” na pinagbidahan nina Kapamilya Actress Kathryn Bernardo at Kapuso Actor Alden Richards.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN news, tinatayang nasa ₱85M ang kinita ng naturang pelikula mula sa unang araw ng pagpapalabas nito sa buong bansa nitong Miyerkules, Nobyembre 13, 2024.

Bukod umano sa pagiging top local movie na nagkaroon ng highest opening gross sa unang araw nito sa takilya, naitala rin nito ang pinakamaraming sinehan na nagbukas para sa pagpapalabas nito, kung saan mapapanood ito sa 656 local cinemas sa buong bansa. 

Samantala, sa panayam ng media kina Alden at Kathryn, ipinaabot ng dalawa ang kanilang pasasalamat sa lahat daw ng sumuporta sa kanilang pelikula. 

Pelikula

Julia Montes, dinaig sa bakbakan si Coco Martin

"We are very happy na very fulfilled at saka hindi namin in-expect na magiging ganoon ang turnout ng buong pelikula. Kaya excited na po kami na mapanood niyong lahat 'yon,” ani Alden.

Nagpasalamat din si Kathryn sa mga tumatangkilik daw ng “midnight screenings” maging ng block screening at sa mga manonood pa raw.

“So maraming salamat sa lahat ng nanood ng midnight screenings, sa lahat ng nagpa-block screening at sa lahat ng mga manonood pa lang in the coming days — thank you so much for all the support. Sobrang saya namin kagabi. Thank you,” anang bidang aktres.

KATE GARCIA