December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chariz Solomon, inakusahan ng sexual harassment

Chariz Solomon, inakusahan ng sexual harassment

Kung kadalasan ay mga biktima ng sexual harassment ang lumulutang at nagrereklamo, iba naman ang sitwasyong naranasan ng komedyanteng si Chariz Solomon.

Naibahagi niya sa "Lutong Bahay" ng GTV ang naranasan niyang pagpaparatang sa kaniya ng dating co-star sa gag show na "Bubble Gang" na nagparatang sa kaniya ng sexual harassment.

Naurirat kasi si Chariz kung sino sa mga nakatrabaho na niya ang ayaw na niyang makatrabaho ulit, at dito nga ay walang takot niyang binanggit ang dating kasamahan sa Bubble Gang.

Binanggit ni Chariz ang pangalan ng kasamahang artista at kahit huwag na raw i-bleep, pero ginawa pa rin ng GTV kaya hindi natukoy kung sino.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Kuwento ni Chariz, nakatanggap pa raw siya ng email noon mula sa "girlfriend" ng nabanggit na co-star na nagparatang ng sexual harassment sa kaniya. Pinapalabas daw ng nabanggit na co-star, na regular sa nabanggit na show, na parang nagpaparamdam siyang type niya ito kahit na may karelasyon na.

Pero giit ni Chariz, hindi ito totoo at wala siyang pagtingin sa nabanggit na co-star. Nang mga sandaling iyon ay galit na galit siya sa nabanggit na kasamahan sa Bubble Gang dahil nagkataong buntis siya sa anak na si Apollo. Naganap ito noong 2013.

Hindi naman na idinetalye pa ng komedyante kung ano ba ang nagawa niya sa co-star para paratangan siyang minamanyak ito.