December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Rita Avila, inalala kaarawan ng namayapang anak

Rita Avila, inalala kaarawan ng namayapang anak
Photo Courtesy: Rita Avila (IG)

Ipinagdiwang ng aktres na si Rita Avila ang kaarawan ng namayapa nilang anak ni TV director Erick Reyes na si Elia Jesu na 18 taon sana ngayon.

Sa isang Instagram post ni Rita kamakailan, ibinahagi niya ang baby picture ng anak at ang urn kung saan nakalagay ang abo nito.

“Nung itinabi ang urn ng mom ko sa urn nya sa crypt, napaka-CUTE pala sa liit ung urn! Marahil ay lutang ako nung inilibing noon si Jesu kaya hindi ko maalala,” saad ni Rita.

Dagdag pa niya: “Ngayon, lutang na ako sa saya dahil pribilehiyo ang magka-anak ng tunay na anghel sa langit. Happy birthday anak!” 

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

Bukod dito, inalala rin ng aktres ang sinabi ng pari sa misa noong libing ni Jesu.

“Ang sabi ng pari ay:’ We don’t pray FOR Jesu; we pray TO Jesu for he is with God already. He can help us with our prayers,’” lahad ni Rita.

Matatandaang ayon sa isang artikulo ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong 2006, pumanaw si Elia dahil umano sa heart failure.