December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ai Ai kay Gerald: 'Sana maging masaya ka na lang!'

Ai Ai kay Gerald: 'Sana maging masaya ka na lang!'
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Network and Showbiz Updates (YT)

Nagbigay ng mensahe si Comedy Queen Ai Ai Delas Alas sa kaniyang ex-husband na si Gerald Sibayan matapos niyang kumpirmahin ang kanilang hiwalayan.

MAKI-BALITA: Ai Ai Delas Alas, kinumpirma hiwalayan nila ni Gerald Sibayan

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Nobyembre 11, hiniling ni Ai Ai ang lahat para sa ikasasaya at ikabubuti ni Gerald.

“I hope ‘yong hindi ko pa naibigay sa ‘yo na hinahanap mong kaligayahan, sana makuha mo. And ‘yong hinhiling mong anak, sana magkaroon ka ng healthy child,” saad ni Ai Ai.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I wish you well. Kasi sa sampung taong pinagsamahan natin, in fairness naman to you naging good husband ka naman. And siguro gano’n talaga ang buhay,” wika niya.

Dagdag pa niya: “Basta sana maging masaya ka na lang. I wish you all the happiness na hinahanap mo.”

Pero nang tanungin ang comedy queen kung nakapagpatawad na ba siya, sagot lamang niya ay nasa proseso pa raw siya ng pagtanggap sa nangyari.

Matatandaang sa isang bahagi ng panayam ay inamin ni Ai Ai na minsan na raw nagtaksil sa kaniya si Gerald noong 2019.

“So parang may trust issues na ako. So siguro isa ‘yon sa minsan hindi ko alam na pagtalak ko sa kaniya,” aniya.

MAKI-BALITA: Gerald Sibayan, may ibang babae nga ba?