Naghayag ng excitement ang internet personality na si Darla Sauler para sa comeback ng kaibigan niyang si Queen of All Media Kris Aquino.
Sa isang Instagram post kasi ni Darla kamakailan, ibinahagi niya ang larawan nila ni Kris kasama ang anak nitong si Bimby Aquino na kuha nang mag-extra special dinner sila.
“Extra special dinner coz Krisy is eating with us! Yehey! Excited na ako to see her back in action,” saad ni Darla.
Tinugon naman ni Kris ang post na ito ng kabigan sa comment section, “Of course you pre-empted me. And hindi ka nag kwento nung nanginig ka nung suddenly nag flare na ako and right in front of you.”
Kitang -ita mo how swollen my knees became and all the bruises that suddenly said hello is my legs all the way to my swollen ankles and feet. The producer in me was saying: Darl, kunan mo na, pang inserts din,” dgutong pa niya.
Payo naman ni Darla, “Please rest. Naloka ako di ko lang kaya ipakita kasi dapat strong and go go go lang lagi. Ah basta. Kaya to Krisy. Laban!”
Matatandaang binuksan ni Kris ang tungkol sa pagbabalik-telebisyon niya nang magbigay siya ng update tungkol sa kaniyang kalusugan at love life.
MAKI-BALITA: Kris may nilulutong bagong show, magbabalik-TV na?