November 22, 2024

Home SHOWBIZ

‘It’s really my second life!’ Ivana Alawi halos agaw-buhay sa ospital

‘It’s really my second life!’ Ivana Alawi halos agaw-buhay sa ospital
Photo courtesy: Screenshots from Ivana Alawi/YouTube channel

Malaki ang pasasalamat ng Kapamilya aktres na si Ivana Alawi nang matanggap daw niya ang umano’y “pangalawang buhay” matapos maospital.

Sa kaniyang opisyal na YouTube channel, inihayag ni Alawi noong Nobyembre 8, 2024 ang kaniyang tila “life threatening experience” at sinabing pinakamahirap daw na yugto ng kaniyang buhay.

"Ipapakita ko sa inyo ang isa sa pinakamahirap na journey sa buhay ko…Feeling ko nagpaalam pa nga ako sa mama ko. Feeling ko talaga it’s really my second life,” saad ni Alawi sa pagsisimula ng kaniyang vlog.

Bago tuluyang ikuwento ang kaniyang naging karanasan, inamin ni Alawi na sa umpisa pa lang daw ay mayroon na rin siyang PolyCystic Ovary Syndrome (PCOS) na saad pa niya ay doon daw nagsimula lahat.

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

“I-share ko lang din sa inyo na mayroon akong problem sa ovaries and that’s how it started, and I also have PCOS,” anang aktres.

Saad ni Alawi, nagdesisyon na raw siyang magpahatid sa ospital dahil hindi na raw niya makayanan ang sakit at panghihina na naramdaman.

“I got fluid in my stomach na sobrang napuno na siya. Day by day habang nasa ospital ako, umaangat nang umaangat yung fluid sa tiyan ko, mukha akong five months pregnant,” saad ni Alawi.

Tila nag-agaw buhay din daw siya, na ayon pa sa kaniya ay tuluyan daw nanghina ang kaniyang pulse rate at tumirik ang kaniyang mga mata habang naka-confine sa ospital.

“Nag-panic na yung mga doctors kasi parang humihina na yung pulse ko, they kept saying na, 'Huwag kang pipikit.' So, pina-confine ako pero hindi ako gumagaling. Parang ang tigas at hirap na hirap akong huminga.”

Dahil sa pagkakaroon ng excess fluid sa kaniyang katawan na naging dahilan daw upang hindi siya makahinga, makaihi at makadumi, nagkaroon daw siya ng iba’t ibang doktor at nagdesisyon na ipatanggal ang halos dalawang litrong tubig daw na nahithit sa kaniyang katawan.

“I felt like the liquid was already getting into my lungs. Tas parang sabi ko, 'Butasan niyo na ako, kahit saan, matanggal lang tong sakit, So yun, pinasok nila yung tube and then they started to drain. Tapos meron daw two liters na pinu-push na daw yung lungs ko that’s why nahirapan ako” saad ni Alawi.

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, isinugod sa ospital

Nilinaw naman ni Alawi na matapos matanggal ang fluid sa kaniyang katawan, ay gumaan na raw ang kaniyang pakiramdam at kasalukuyan na rin siyang nagpapagaling. Nagpasalamat din siya sa lahat daw ng nagpaabot ng dasal at tulong sa kaniya.

Samantala, bago tuluyang tapusin ang kaniyang video, nabanggit din ng aktres na balak daw niyang i-donate ang kikitain ng naturang latest episode, sa isang ospital, upang makatulong daw sa mga pasyenteng walang sapat na kapasidad upang magbayad ng medical bills.

Kate Garcia