December 24, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'DJ,' nabanggit ni Kathryn Bernardo sa Family Feud

'DJ,' nabanggit ni Kathryn Bernardo sa Family Feud
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (FB)

Inintriga ng mga netizen ang naging sagot ni Outstanding Asian Star sa latest episode ng “Family Feud” noong Biyernes, Nobyembre 8.

Sa huling bahagi kasi ng game show na kung tawagin at “Fast Money,” nabanggit ni Kathryn ang “DJ” o disc jockey bilang tugon sa tanong na “naka-headset ka kapag ito ang trabaho mo?”

Noong una, call center agent ang naging sagot ni Kathryn. Pero nabanggit na ito ng kaniyang “Hello, Love, Again” co-star na si  Lovely Abella bago pa man siya sumalang.

Kaya sagot ni Kathryn: “DJ” 

Tsika at Intriga

Aagawan pa ng moment si Jesus? Denise Julia, 'reresbak' daw sa araw ng Pasko

Umani tuloy ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Prang mdyo nalungkot tuloy si Alden nung nasabi yong DJ"

"Oh db DJ tlaga ang ngpanalo""Sa wakas my pakinabang din deej"

"Malamang DJ din MAISIP ko if ever naka headset Yung tao .. na relate agad sa tao na DJ hahahahah pass nayun Kay kath ."

"Si Dingdong inulit pa talaga Ang DJ "

“ALA ang una nyang sagot ay call center e, di pwede yun kasi nga nasagot na ni Lovely. Sino pa ba ang nagsusuot siempre disc jockey. Ang daming delulu pa rin.”

“Biruin mo sa wakas naipanalo ni kath ang laban gamit si DJ, Disc Jockey nga lang. Masaya na yung isang DJ with Summer. Haha”

Matatandaang “DJ” ang palayaw ng ex-boyfriend ni Kathryn na si Kapamilya star Daniel Padilla.

Nobyembre 2023 nang kinumpirma nilang dalawa ang kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn