December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sue Ramirez, Dominic Roque naispatang naghalikan?

Sue Ramirez, Dominic Roque naispatang naghalikan?
Photo Courtesy: Fashion Pulis

Tila palaisipan sa marami kung may espesyal na ugnayan bang namamagitan kina Dominic Roque at Sue Ramirez.

Sa entertainment site kasing “Fashion Pulis” nitong Biyernes, Nobyembre 8, mapapanood ang video clip kung saan magkasama umano ang dalawa sa isang lugar at namataan pang tila naghalikan.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"parang truth or dare lang pero keri lang parehas naman single why not!"

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

"Yay move on na sila pareho"

"I guess it's just a sort of DARE or DEAL chuchu"

"Bet!"

“Mas bagay!”

“oooofff pano na si Mayor niyan”

"D ba may Jowa si Sue?? At parang sa pisngi lang naman"

"Sus baka movie. Mahal ba mahal ni sue un jowa nya dba. Pero if ever pwde!"

Matatandaang si Victorias City Mayor Javi Benitez ang lalaki sa buhay ni Sue. Ngunit kamakailan lang ay napansin umano ng ilang netizens na parang wala na silang photos together.

Kaya bagama’t wala pang anomang pahayag o reaksiyon mula sa dalawa, umuugong ang bulung-bulungan na break na sila.

MAKI-BALITA: Sue Ramirez, hiwalay na raw sa jowang mayor?

Samantala, si Dominic naman ay matagal nang single matapos nilang kumpirmahin ng ex-fiancée niyang si Bea Alonzo ang kanilang hiwalayan noong Pebrero.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang pahayag o reaksiyon sina Dominic at Sue hinggil sa nasabing video na kumakalat.