Pinalagan ng misis ni Kapamilya TV host Robi Domingo na si Maiqui Pineda ang kumakalat na tsikang ilang buwan na lang daw ang itatagal niya sa mundo.
Sa expired Instagram story ni Maiqui nitong Lunes, Nobyembre 4, nakiusap siya na tulungan siyang i-report ang Facebook page na nagpakalat ng pekeng balita.
Sa kasalukuyan kasi ay umabot na sa mahigit 119k reactions at 1k shares ang nasabing post. At kung pagbabatayan ang komento ng netizens, tila marami ang naniniwala.
“I don't use Facebook so I don't see posts like these but thanks to people for sharing to me. Probably why people would ask me if I'm ok,” saad ni Maiqui.
“I only share here since I've built a good relationship with a lot of people who follow and message me. You guys know me best,” aniya.
Dagdag pa niya: “If ever you have the time, please help me report this post for false information on health. Thank you!!”
Matatandaang ibinahagi ni Maiqui noong Agosto 2023 ang dahilan ng pagkakaratay niya sa ospital sa pamamagitan ng isang Instagram post.
MAKI-BALITA: Fiancée ni Robi Domingo may rare autoimmune disease