December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Wendell Ramos, feeling failure 'pag hinihiritan ng mga anak

Wendell Ramos, feeling failure 'pag hinihiritan ng mga anak
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT), Wendell Ramos (IG) via GMA Network

Tila negatibo ang dating para sa aktor na si Wendell Ramos kapag hinihingan siya ng kaniyang mga anak ng mga bagay na gusto ng mga ito.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan, ipinaliwanag ni Wendell kung bakit nararamdaman niyang bigo siya bilang ama kapag ginagawa ito ng kaniyang mga anak.

“Lagi kong sinasabi sa mga anak ko, huwag n’yo na akong hingan masyado. Kasi sometimes, hindi nakakatulong sa akin ‘yong mga demands n’yo. Tulungan n’yo rin ako,” saad ni Wendell.

“Kasi the more n’yo akong hinihingian, feeling ko, Ogie, nagiging failure ako. Tinatanong ko lagi asawa ko sa part na ‘yon. Nade-deprive ko yata mga anak ko,” wika niya.

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

Dagdag pa ng aktor: “Gusto kong ibigay sa kanila what’s best for them at kung ano ‘yong kailangan nila talaga sa buhay. “

Pero kapag hindi raw niya maibigay ang mga ito kahit kalahati man lang, doon na magsisimulang makaramdam si Wendell na parang failure siya as a parent.

Sa kasalukuyan, si Wendell ay may apat na anak na sina Wendell, Saviour, Tanya, at Maddie.