December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Mariel, 'di payag magkaroon ng ibang asawa si Robin

Mariel, 'di payag magkaroon ng ibang asawa si Robin
Photo Courtesy: Mariel Padilla (FB)

Nausisa ang TV host at online personality na si Mariel Padilla tungkol sa kalikasan ng relihiyong kinabibilangan ng mister niyang si Senador Robin Padilla.

Matatandaang si Robin ay isang Muslim at sa relihiyong ito ay pinapaaayagan ang lalaking miyembro na mag-asawa hanggang apat na babae.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Mariel na nang pumasok daw siya sa relasyon nila ni Robin ay isang kondisyon lang ang hiningi niya sa mister.

“When I got in the relationship—because Robin was very clear—he said that…’yong untouchable sa kaniya is Mindanao and his children. So, never ko ‘yon ginagalaw,” saad ni Mariel.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa niya: “I get that. So ako, sabi ko, ang kondisyon ko, isa lang. Isa lang ang kondisyon ko, Tito Boy. It can only be me.”

Ayon kay Mariel, tinanggap naman daw ni Robin ang inialok niyang kondisyon. At hanggang ngayon, nagsisikap daw ang kaniyang mister na tuparin ang pangakong ito sa kaniya.