November 23, 2024

Home SHOWBIZ

Julius Babao, nanghinayang kay John Wayne Sace

Julius Babao, nanghinayang kay John Wayne Sace
Photo Courtesy: Julius Babao (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang broadcast-journalist na si Julius Babao sa pagkakaaresto ng dating artistang si John Wayne Sace.

Sa Facebook post ni Julius kamakailan, sinabi niyang nanghinayang daw siya sa naging kapalaran ni John na dati niyang nakapanayam.

MAKI-BALITA: John Wayne Sace may hiling kay Coco Martin: 'Sana maalala niya ulit'

“Nanghihinayang ako sa naging kapalaran ng dating aktor na si John Wayne Sace. Ilang beses namin siyang inalok na magpa-rehab at lumayo sa lugar na kanyang tinitirahan subalit ileng beses siyang tumatanggi,” saad ni Julius. 

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Ang hirap ng sitwasyon ni John Wayne lalo’t inaakusahan siyang pumatay ng isang padre de pamilya. Subalit higit na mas mahirao ang kalagayan ng biktima at ng kanyang pamilya na sumisigaw ng katarungan,” aniya.

Dagdag pa ng broadcast-journalist: “Tayo po ay nakikiramay sa pamilya ng biktima. Tanging hukuman na lamang ang makakasagot sa mga tanong na naglalaro sa ating mga isipan.”

Matatandaang dinakip ng pulisya si John matapos umano niyang barilin ang kaibigang biktima sa Barangay Sagad, Pasig City noong Oktubre 28.

MAKI-BALITA: Dating aktor na si John Wayne Sace arestado; suspek sa pagpaslang sa Pasig