Tila nanibago ang mga netizen kay Kapamilya star Andrea Brillantes dahil wala siyang ibinidang outfit sa nakalipas na Halloween.
Sa latest Instagram post ni Andrea nitong Sabado, Nobyembre 2, makikitang tila marami ang nag-aabang at umuurirat sa kaniya kung bakit wala siyang pasabog.
Ngunit sinagot niya lamang ito sa pamamagitan ng isang lyrics ng kantang “Happy” ni Pharell Williams, “It seems crazy what I'm about to say.”
Umani naman ng samu’t sarong reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"YOU WERE MISSED! But so proud of you. Do what makes you happy!"
"Travelling outshines any party "
"My best work yet 'Ghost' chic "
"halloween is not halloween without your entry "
"PLEASE LANG DRESS AS HARLEY QUINN AND KYLE ECHARRI AS JOKER (PLEASE LIKE THIS PARA MAPANSIN NI BLYTHE!!) KAHIT SA DECEMBER MO PA IPOST MOTHERRRR"
"We miss u my love "
"halloween is incomplete without your pasabog"
Samantala, sa kaniya namang expired Instagram story ay makikita ang isa pang tugon ni Andrea.
Aniya, “Literal na igo-ghost ko kayo. Wala akong pasabog this year, out of the country ako right now.”
Matatandaang noong 2023 ay sinurpresa ni Andrea ang social media world nang magsuot siya ng mythology-themed Halloween costume nang dumalo siya sa “Opulence Ball 2023.
MAKI-BALITA: Netizen sa Halloween costume ni Andrea: 'Ba't nasa leeg mo si Leren'