December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

John Estrada, naispatang may kasamang afam na bebot sa bar

John Estrada, naispatang may kasamang afam na bebot sa bar
Photo courtesy: Screenshots from Keken Quiñonez (FB)

Usap-usapan ang isang Facebook reel ng netizen kung saan makikita ang "FPJ's Batang Quiapo" cast member na si John Estrada habang may kasamang isang tila babaeng foreigner, habang nasa isang bar.

Sa reel na ibinahagi ng nagngangalang "Keken Quiñonez," makikita ang tila pag-akbay ni John sa kaliwang balikat ng nabanggit na babae.

Sa isa pang eksena, makikita namang nakaupo na sila sa kanilang puwestong mesa habang tila may tinitingnan sila sa phone. Makikita naman ang mga bote ng inuming nakalalasing sa ibabaw ng mesa.

"Mag chill mo na dw si rigor lena," mababasa sa caption ng post.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

"Pakisaby ky marites at Lena mamaya Pa daw uwi si rigor," mababasa pa sa text caption na makikita sa mismong video.

Ang pangalang "Rigor" ay karakter ni John sa Batang Quiapo, at ang "Marites" naman ay legal wife niya sa kuwento na ginagampanan ni Cherry Pie Picache. Ang "Lena" naman ay kaniyang kerida o kabit sa istorya na ginagampanan naman ni Mercedes Cabral.

Sa sobrang patok ng serye, nagawan na nga ng kanta ang naging sikat na linyahan ni Lena na "Bili mo 'ko liempo, Rigor" na naging dahilan din para kunin silang endorsers ng isang kompanya.

Hindi naman malinaw kung kailan eksaktong nakunan ang nabanggit na video o kung recent lang. Hindi rin malinaw kung ano ang relasyon ni John sa nabanggit na afam.

Noong Setyembre 20, 2024, namataang nasa iisang event ang mag-asawang John at Priscilla Meirelles sa Singapore para sa F1 Singapore Grand Prix 2024, pero hindi sila nag-post ng mga larawan na magkasama sila. Bagkus, hiwalay pa nga ang kani-kanilang posts tungkol dito.

Matatandaang noong 2023 ay nagkaroon ng "marital problems" ang dalawa, at nagmula mismo kay John na mutual agreement nilang mag-asawa na medyo mag-lie low muna sa isa't isa, bagay na pinabulaanan naman ni Priscilla.

KAUGNAY NA BALITA: Priscilla Meirelles, inaming may marital problem sila ni John Estrada

"To clarify, there was never any mutual agreement regarding our separation. We were married when I left the Philippines, and we remain married as of this time," mababasa sa Instagram post ni Priscilla.

KAUGNAY NA BALITA: Priscilla, shookt sa sinabi ni John na 'mutual' pansamantalang hiwalayan nila

Nilinaw naman ni John na wala siyang relasyon sa isa pang babaeng foreigner na naispatan namang kasama niya sa Boracay. 

KAUGNAY NA BALITA: Babaeng 'kasama' raw ni John Estrada sa Boracay, pinangalanan ng misis

KAUGNAY NA BALITA: John Estrada, nilinaw na wala siyang relasyon kay Lily Hallman

Hanggang sa mga oras na ito ay nananatiling kasal pa rin daw ang dalawa, at wala pang balita o update hinggil sa mga kung anumang legal na hakbang ang nais nilang gawin sa marital problems na kanilang pinagdaanan.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si John patungkol sa isyung ito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.

KAUGNAY NA BALITA: Riggghhhooouuurrr! Sino-sino nga ba ang mga babaeng na-link kay John Estrada?