Mariing nagpaalala ang Korte Suprema sa publiko at mga miyembro ng legal profession na dapat daw na manatiling confidential ang kanilang mga disciplinary proceedings laban sa ilang mga abogado.
Sa inilabas na pahayag ng Supreme Court Office of the Spokesperson nitong Huwebes, Hulyo 9, 2026, sinabi nilang dapat daw na manatiling confidential sa publiko ang naturang proceedings ng Korte Suprema hanggang makapag-isyu sila ng pinal na kautusan.
Anila, alinsunod umano ito sa Canon VI, Section ng Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA) na nagsasabing dapat dapat na manatiling confidential in character at summary in nature ang mga disciplinary proceedings laban sa isang abogado.
“Canon VI, Section 1 of the Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA) provides:
Section 1. Nature of disciplinary proceedings against lawyers. Disciplinary proceedings against lawyers shall be confidential in character and summary in nature,” anila.
Dagdag pa nila, “Nonetheless, the final order of the Supreme Court shall be published like its decisions in other cases.”
Photo courtesy: Supreme Court.
Pagpapatuloy ng Supreme Court, dapat daw na mahigpit na sundin ng lahat ang naturang kautusan at maaari daw maharap sa sanctions at contemp ng Korte ang sinomang mapapatunayang lumabag nito.
“Accordingly, all concerned are reminded to strictly observe this rule. Unauthorized disclosure or dissemination of information regarding such proceedings may violate the CPRA and result in appropriate sanctions, including contempt of court,” pagtatapos nila.
Samantala, wala namang partikular na kasong binanggit ang Korte Suprema kaugnay sa mga abogadong nagpuga ng hindi pa nila naisasapublikong disciplinary proceedings laban sa ibang miyembro ng legal profession.
KAUGNAY NA BALITA: SC, pinatawag sina Suntay, Topacio sa naging pambabastos kina Anne, Jasmine Curtis!