July 23, 2026

Home BALITA National

SC, pinatawag sina Suntay, Topacio sa naging pambabastos kina Anne, Jasmine Curtis!

SC, pinatawag sina Suntay, Topacio sa naging pambabastos kina Anne, Jasmine Curtis!
File Photo

Naglabas ng show cause order ang Korte Suprema para kina Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay at Atty. Ferdinand Topacio kaugnay sa umano'y naging malaswang pahayag ng dalawa kina Anne Curtis-Smith at kapatid nitong si Jasmine Curtis-Smith. 

Matatandaang naging usap-usapan ang kontrobersyal na pahayag ni Suntay sa gitna ng kaniyang manifestation sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte noong Martes, Marso 3, 2026.

“Minsan nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, at na-imagine ko na lang kung ano ang puwedeng mangyari. Pero siyempre hanggang imagination lang ’yon,” ani Suntay sa pagdinig.

KAUGNAY NA BALITA: 'May desire sa loob ko na nag-init talaga!' Pahayag ng solon tungkol kay Anne Curtis sinita, pinatanggal sa house records

Sa naging kontrobersyal naman na pagbatikos ni Topacio sa programa niyang “Yes… Yes… Yo! Topoacio” ng DWIZ 882 noong Marso 5, 2026, sinabi niyang hindi naman daw kasalanan ang kahit anong iniisip ng isang lalaki na panghahalay, gahasain, o daklutin ang isang babae. 

National

Sen. Robin Padilla, nilinaw 'one-sided' remarks niya sa prosekusyon

Matapos nito, nagawa ring puntiryahin ni Topacio at direkta niyang pinasaringan ang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith tungkol sa naging reaksyon nito sa mga nasabi ni Suntay. 

“Kayong mga artista, mga ganyan, ikaw, Jasmine, bakit ka nagpo-post ng bikini pictures mo sa social media, sa mga pahayagan—hindi ba para ikaw ay pagnasahan, para ikaw ay sumikat?” buwelta niya.

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Topacio kinatigan si Suntay: 'May nakita kang babae na gusto mong halayin, 'di kasalanan 'yon!'

Idagdag pa ang naging pag-amin sa publiko ni Topacio sa pareho niyang programa ang minsang naging pagnanasa umano niya nang maamoy si Gabriela Women’s Partylist Rep. Sarah Elago noon.

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Topacio, inaming pinagnasaan nang maamoy noon si Rep. Sarah Elago!

Batay naman sa post ng nasuspindeng si Jesus Falcis at nakuha umano niya kay Atty. Joji Alonso nitong Hulyo 8, 2026, mababasa sa inilabas na resolusyon ng Korte Suprema ang pag-uutos nila ng show cause order para kina Suntay at Topacio. 

Anila, layunin ng show cause order laban kina Suntay at Topacio na pagpaliwanagin ang mga ito upang hindi mapatawan ng parusang disbarment. 

Mayroon lang 10 araw na binigay na palugit ang Korte Suprema kina Suntay at Topacio para magsumite ng kanilang komento. 

“Representative Suntay and Atty. Topacio are ordered to SHOW CAUSE why they should not be meted the ultimate penalty of disbarment by filing with the Court their respective comments within a NON-EXTENDIBLE period of 10 days from receipt of this Resolution,” anang SC. 

Samantala, inutusan din ng Korte Suprema ang Office of the Bar Confidant na magsumite ng updated na listahan ng mga nakabinbing administrative case laban kina Suntay at Topacio sa loob din ng 10 araw, habang inatasan naman nila ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na magsumite ng status report. 

Habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon sina Suntay at Topacio kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Kampo ni Anne Curtis kay Rep. Bong Suntay: 'Women deserve respect—everywhere!'