December 22, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Halik ni Alden Richards, pasado kay Sanya Lopez?

Halik ni Alden Richards, pasado kay Sanya Lopez?
Photo Courtesy: GMA Network (YT/FB)

Kinumusta ni Asia’s King of Talk Boy Abunda ang halik ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards kay Sanya Lopez matapos ang mainit na pagniniig ng dalawa sa historical-drama series na “Pulang Araw.”

Sa latest episode ng “Fast Talk” nitong Martes, Oktubre 29, sinabi ni Sanya na okay daw humalik ang co-star niya sa nasabing serye.

Usisa ni Boy: “Kumusta humalik si Alden?”

“Okay si Alden [humalik],” natatawang sagot ng aktres.

Teleserye

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'

Bukod dito, naikuwento rin ni Sanya ang mga napag-usapan nila ni Alden bago at pagkatapos silang kunan ng intense ng eksena.

Aniya, “Okay naman siya. Tinatanong niya rin naman kasi ako kung okay ka lang. Tapos sabi ko sa kaniya, ‘okay lang.’”

“Wala naman siyang sinabi masyado. Pero sinasabi niya sa akin kung okay kami. He’s professional din at the same time. So pareho naman kami kung ano ang kinakailangan sa work, gagawin namin,” dugtong pa ni Sanya.

Matatandaang umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang umano’y mala-digmaang eksena nina Sanya at Alden sa “Pulang Araw.”

MAKI-BALITA: Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room