December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Sylvia Sanchez, pinasalamatan nagsabing 'di siya marunong umarte

Sylvia Sanchez, pinasalamatan nagsabing 'di siya marunong umarte
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT)

Ibinahagi ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez ang pinaka-challenging part ng kaniyang journey sa showbiz industry.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, minsan na raw siyang sinabihan noon na hindi marunong umarte.

“‘Yong alam mo ‘yong nililiit ka? Minsan, naririnig ko. Dedma lang ako. Or ‘di kaya ‘yong tingin sa ‘yo mula ulo hanggang paa na parang, alam mo ‘yon, nakakapanliit. Sobra,” saad ni Sylvia.

Dagdag pa niya: “Tapos ‘yong sasabihan ka na, ‘hindi naman marunong umarte ‘yan.’”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pero sa kabila nito, gusto raw pasalamatan ni Sylvia  ang mga nagsabi sa kaniya ng hindi magagandang salita.

“Dahil sa kanila, nagpursige ako. Dahil ‘pag once nakarinig ako ng negative para sa akin [...] of course nasasaktan ako. Pero hindi ko ginagawang negative ‘yon sa buhay ko. Ginagawa kong challenge,” aniya.

Kaya naman simula noon, ipinangako niya sa sarili na isang araw ay hahangaan siya ng kung sinomang nagsabi nito sa kaniya.

Sa kasalukuyan, isa na si Sylvia sa mga nirerespetong at premyadong artista sa industriya. 

In fact, noong 2023 ay naiuwi niya ang Movie Actress of the Year na iginawad ng 37th Star Awards for Movie dahil sa natatangi niyang pagganap sa “Coming Home.”