December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Mak Tumang, unbothered sa post ni Leo Almodal?

Mak Tumang, unbothered sa post ni Leo Almodal?
Photo courtesy: Mak Tumang (FB)/via Fashion Pulis (FB)/Leo Almodal (FB)

Tila unbothered daw ang Filipino fashion designer na si Mak Tumang sa naging patutsada ng kapwa fashion designer na si Leo Almodal, kaugnay sa evening gown ni Miss Grand International 2024 first runner-up CJ Opiaza.

Sa post ni Almodal na ngayon ay hindi na mahagilap sa kaniyang social media account, inisa-isa niya ang mga puna sa ilang mga detalye sa nabanggit na gown, na likha ng kapwa Filipino fashion designer na si Mak Tumang, na siyang lumikha ng "Mayon-inspired evening gown" ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa post ni Almodal, naglatag siya ng apat na detalye sa gown ni CJ na para sa kaniya ay "mali" raw.

Una na rito, nagmukha raw flat ang dibdib ng kandidata na puwede naman daw lagyan sana ng seamless pads. Pangalawa, nawala raw ang curves ni CJ dahil masyado raw mahaba at straight ang bandang torso. Ang termino pa nga, nagmukha raw "tuod."

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Pangatlo, maiksi raw ang gown at nagsuot pa siya ng short heels kaya nagmukha raw siyang "pandak" kapag itinabi sa iba pang kandidata.

At panghuli, tila sinasabi ni Leo na hindi bagay sa damit ang rose gold belt na parang ipinilit daw na isama.

Nagpalit naman ng kaniyang display photo ng kaniyang Facebook account si Mak, Linggo, Oktubre 27, na may simpleng caption na "Choosing Love… Always ."

Wala rin siyang kahit na anong post o pahayag patungkol sa mga naging "pang-ookray" ni Almodal sa isinuot ni Opiaza.

Wala man tinukoy sa kaniyang caption, tila natunugan ng netizens na simpleng sagot ito ni Tumang sa pinag-usapang post ni Almodal. 

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Unbothered"

"Hahaha kaw na! Very unbothered!"

"Always chose to be kind… show them the value of respect and humility"

"The most calm person i know ever existed! #unbothered!"

"We're so grateful and thankful because of your unique designs when it comes in making gowns to our representatives. You really made sure that it will shine among the other growns. I am hoping that you will always be humble despite of bashing and other things that they throw to you. We love you and you will always be our favourite designer."

MAKI-BALITA: Leo Almodal dismayado sa gown ni CJ Opiaza, inokray gawa ni Mak Tumang?