Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Kong-Rey kaninang 7:30 p.m. at pinangalanan ito ng PAGASA na Bagyong "Leon."
Bagama't nakalabas na ang Bagyong "Kristine," nakapasok naman sa PAR ang Tropical Storm Kong-Rey, na ngayo'y pinangalanang Bagyong "Leon." Ito ay base sa tropical cyclone update ng PAGASA nitong Sabado ng gabi, Oktubre 26.
Inabisuhan naman ng PAGASA ang publiko na manatiling naka-monitor sa kanilang mga weather update.