April 22, 2026

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

ALAMIN: Bakit lumalabas ang mga ahas tuwing tag-init?

ALAMIN: Bakit lumalabas ang mga ahas tuwing tag-init?

Tuwing sumasapit ang matinding init ng panahon, kasabay ng pagtaas ng temperatura ang pagdami rin ng ulat tungkol sa mga ahas na nakikita sa mga komunidad—sa bakuran, loob ng bahay, at maging sa mga paaralan. 

Ngunit ano nga ba ang dahilan kung bakit tila mas nagiging aktibo ang mga ito tuwing tag-init?

Ang mga ahas, kabilang na ang mga cobra, ay kabilang sa tinatawag na cold-blooded animals o mga hayop na umaasa sa temperatura ng kanilang kapaligiran upang mapanatili ang init ng kanilang katawan. Dahil dito, lubos silang naaapektuhan ng pagbabago sa panahon.

Kapag tumataas ang temperatura, nagiging mas sensitibo ang mga ito sa init. Sa sobrang init, napipilitan silang lisanin ang kanilang natural na tirahan gaya ng kagubatan o damuhan upang maghanap ng mas malamig at mas angkop na lugar. Kadalasan, dito na sila napapadpad sa mga lugar na tinitirhan ng tao.

Sa panahon ng matinding init, maaaring matuyo ang lupa at mabawasan ang kanilang pinagkukunan ng pagkain at tubig. Dahil dito, nagiging mas aktibo ang mga ahas sa paggalaw at paghahanap ng bagong matitirhan.

Kahayupan (Pets)

ALAMIN: Pet body language na mahalagang malaman ng fur parents

Ang mga lugar na may lilim, may tubig, o mas malamig—tulad ng ilalim ng bahay, mga imbakan, o madamong bakuran—ay nagiging kaakit-akit para sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit mas madalas silang makita sa mga residential area tuwing tag-init.

Hindi rin maikakaila ang papel ng climate change sa pagdami ng ganitong insidente. Ang pangmatagalang pagbabago sa klima ng mundo, na pangunahing dulot ng pagdami ng greenhouse gases mula sa gawain ng tao, ay nagdudulot ng mas madalas at mas matitinding heatwave.

Sa paglala ng init, mas nagiging hindi angkop ang natural na tirahan ng mga ahas—kaya mas tumataas ang posibilidad na mapadpad sila sa mga komunidad.

Ayon sa World Health Organization (WHO), tinatayang isang katao ang namamatay kada apat hanggang anim na minuto sa tuklaw ng ahas, taon-taon.

Kaya naman payo ng mga eksperto sa panahon ng tag-init, mas mainam ang pagiging mapagmatyag—panatilihing malinis ang bakuran, alisin ang mga maaaring pamugaran ng ahas, at agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad kung may makikitang ahas sa paligid.