April 23, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Dapat nga bang ilagay sa zoo ang mga hayop na 'endangered' na?

ALAMIN: Dapat nga bang ilagay sa zoo ang mga hayop na 'endangered' na?
Photo courtesy: World Wildlife Organization/website


Sa isang pag-aaral na ibinahagi ng WWF Organization, patuloy daw ang pagbaba ng bilang ng mga hayop sa “wildlife,” kasama na rin ang pagkipot ng “natural spaces” para sa mga gaya nila.

Batay sa kanilang ulat, aabot sa 73% ang ibinaba ng wildlife populations simula noong 1970.

Aabot naman sa 47,000 species ang nasa ilalim na ng banta ng extinction, base sa International Union for Conservation of Nature (IUCN).

Kasunod ng mga datos na ito, dapat na nga bang gamitin ang mga zoo bilang bagong habitat ng mga endangered na hayop?

Ngayong Abril 8 ay ginugunita ang “National Zoo Lovers Day.” 

ALAMIN: Ano ang pagkakaiba ng mundo, daigdig, at sanlibutan?

Ayon sa National Day Today, ito raw ay isang selebrasyon upang kilalanin ang gampanin ng mga zoo sa conservation, recreation, at sa edukasyon.

Base sa parehong source, nakatutulong daw ang mga zoo upang maprotektahan ang ilang endangered species na maipanatili ang kanilang bilang sa pamamagitan ng research at conservation.

Batay naman sa artikulo ng Endangered Organization, pinataas daw ng mga zoo programs ang populasyon ng endangered species.

“The growing concern for endangered species has spotlighted zoos as crucial players in wildlife conservation. Their breeding programs increase populations of endangered species and focus on preserving genetic diversity and reintroducing animals into the wild. These programs are vital to zoos’ efforts to save species from extinction, providing a crucial lifeline in the global conservation effort,” mababasa sa artikulo.

Ayon naman sa Ecocation Organization, ilan lamang daw sa mga paraan ng zoo kung paano maisasalba ang bilang ng mga endangered na hayop ay ang kanilang breeding programs, reintroduction initiatives, research and innovation, education and awareness, at habitat restoration and support.

Gayumpaman, may ilan pa ring nakikitang “challenges” o “loopholes” pagdating sa gampanin ng mga zoo bilang tagapagprotekta ng endangered species.

Base sa Endangered Organization, isa ang genetic diversity sa maaaring maging pagsubok.

“A limited gene pool in captivity can lead to inbreeding, resulting in health problems or reduced adaptability,” mababasa sa artikulo.

Anila, ang pagbabago sa habitat ng hayop ay maaari ding makaapekto sa adaptability ng hayop.

“The reintroduction of animals into the wild poses another challenge. Animals bred in captivity might need help adapting to natural habitats, finding food, avoiding predators or interacting with wild counterparts,” mababasa sa parehong source.

“Habitat loss in the wild is another critical issue — reintroduction efforts may be futile without preserving and restoring natural habitats. In some cases, animals in captivity develop new illnesses or have shorter life spans due to factors like stress of limited genetic variation,” dagdag pa nito.

Gayong may iba’t ibang perspektibo sa usaping ito, ang isa sa pinakamaaaring maging gampanin o tulong ng mga tao sa mga endangered na hayop ay siguruhin ang kanilang disiplina, upang matiyak ang patuloy ang existence ng mga hayop na ito sa mundo.

Tandaan na hindi lamang mga tao ang nasa daigdig, ang mga hayop ay may puwang din sa planetang ito.