Nagbabala ang Presidential Communications Office (PCO) na magsasagawa ang tanggapan ng legal na aksyon laban sa sinumang mga indibidwal na nagpapakalat umano ng maling impormasyon kaugnay sa kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Batay sa mensaheng ipinadala ni PCO Sec. Dave Gomez at iniulat ng GMA News, sinabi niyang ilang ulit nang nilinaw na nasa maayos na kondisyon ang Pangulo sa kabila ng kumakalat na mga ulat at espekulasyon sa social media, na may umano'y malalang sakit si PBBM na nasa stage 4 na.
Ayon kay Gomez, kasalukuyan na umano silang naghahanap ng mga "resibo" upang magamit sa pagsasampa ng kaso laban sa mga nabanggit na indibidwal, na hindi nila pinangalanan.
“‘Yung nagpapakalat on the health of PBBM, we’re collecting na all pieces of evidence and will initiate a complaint with the DOJ hopefully next week,” ani Gomez.
Dagdag pa ng opisyal, layunin daw ng hakbang na ito na mapanagot ang mga responsable at mapigilan ang paglaganap ng fake news na maaaring magdulot ng kalituhan sa publiko.
Samantala, muling iginiit ng Malacañang na walang katotohanan ang mga alegasyon hinggil sa kalusugan ng Pangulo at nananatili siyang aktibo sa pagtupad ng kaniyang mga tungkulin, ayon na rin kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Maki-Balita: Ayaw na maranasan ang pain! PBBM, nag-iingat na sa pagkain dahil sa Diverticulitis
Maki-Balita: ‘Wag muna kayo masyadong excited!’ PBBM binunyag ang sakit, hindi raw life threatening-Balita
Aniya, talagang mapili at maingat na si PBBM sa pagkain dahil sa sakit na divercu