April 18, 2026

Home BALITA National

Ayaw na maranasan ang pain! PBBM, nag-iingat na sa pagkain dahil sa Diverticulitis

Ayaw na maranasan ang pain! PBBM, nag-iingat na sa pagkain dahil sa Diverticulitis
Photo courtesy: Bongbong Marcos/FB


Ipinagdiinan ng Palasyo nitong Miyerkules, Abril 8, na sa kasalukuyan ay nasa maayos na kalagayan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ayon sa pahayag ng Malacañang, maingat lamang daw ang Pangulo sa kaniyang pangkain, matapos itong ma-diagnose ng sakit na Diverticulitis noong Enero.

"Noon pa 'yan, noong una niyang naranasan ang pain due to diverticulitis,” ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro nang matanong hinggil sa kalagayan ng Pangulo.

"Kaya nag iingat na siya sa pagkain dahil ayaw na niyang maranasan ang pain na ‘yon ulit,” dagdag pa niya.

"Wala po siyang nararanasan na hindi maganda ngayon. Now, he is well," diin ni Castro.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Wag muna kayo masyadong excited!’ PBBM binunyag ang sakit, hindi raw life threatening-Balita

Matatandaang noong Lunes, Abril 6, natanong din ang press officer sa kalagayan ni PBBM nang bigo itong makarating sa isang event na dapat ay dadaluhan nito.

Aniya, maayos ang pakiramdam ng Pangulo, at kinumpirmang dadalo pa sa isang oath-taking para sa mga vice mayors.

Nagpaalala rin siya na huwag maniwala sa mga impormasyong kumakalat sa social media, matapos ang umano’y umugong na isyung nasa “stage 4” ang sakit nito.

“Huwag po tayong masyadong maniwala…ang dami-dami pong fake news! Pati po ako ay binibiktima ng fake news,” anang press officer.

MAKI-BALITA: ‘Maayos po siya!’ Palasyo, pinasinungalingan isyung may sakit si PBBM-Balita