April 16, 2026

Home BALITA

'Ayoko nang tumaba!' PBBM, may nilinaw tungkol sa kalusugan niya

 'Ayoko nang tumaba!' PBBM, may nilinaw tungkol sa kalusugan niya
Photo courtesy: MB file photo

May nilinaw si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kaniang kalusugan kasunod ng mga kumakalat na usapin sa social media.

Sa isang pahayag na inilabas nitong Miyerkules, Abril 8, sinabi ng Pangulo na ang kaniyang kasalukuyang pinagtutuunan ng pansin ay ang personal na kalusugan, partikular ang pagpapanatili ng kaniyang timbang.

“I’m struggling kasi ayoko nang tumaba ulit. That’s what I’m taking care of,” ani Marcos.

Binigyang-diin din niya na hindi dapat seryosohin ang mga kumakalat na impormasyon sa social media patungkol sa kanyang kalagayan.

“‘Wag niyo masyadong siniseryoso, alam n’yo naman ang social media, palabiro ‘yan. Wala po tayong problema. I am back to my regular routine… wala nang bawal,” dagdag pa niya.

National

PNP, nakahanda sa posibleng pagbabalik-bansa ni Zaldy Co

MAKI-BALITA: Ayaw na maranasan ang pain! PBBM, nag-iingat na sa pagkain dahil sa Diverticulitis

Lumabas ang pahayag ng Pangulo matapos umugong ang iba’t ibang espekulasyon sa social media tungkol sa kaniyang kalusugan. 

Sa kabila nito, tiniyak niyang maayos ang kaniyang kondisyon at tuloy-tuloy ang kaniyang pagtupad sa tungkulin bilang pinuno ng bansa.

Samantala, nitong Miyerkules din nang magbabala ang Palasyo hinggil sa mga patuloy umanong nagpapakalat ng fake news hinggil sa kalusugan ni PBBM.

“Yung nagpapakalat on the health of PBBM, we’re collecting na all pieces of evidence and will initiate a complaint with the DOJ hopefully next week,” ani Gomez.

Dagdag pa ng opisyal, layunin daw ng hakbang na ito na mapanagot ang mga responsable at mapigilan ang paglaganap ng fake news na maaaring magdulot ng kalituhan sa publiko.

KAUGNAY NA BALITA: Lagot! Mga nagpakalat na may malubhang sakit si PBBM, sasampolan ng Palasyo