December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Herlene Budol, nakitaang pugot ang ulo

Herlene Budol, nakitaang pugot ang ulo
Photo courtesy: Herlene Nicole Budol (FB)

Usap-usapan ang isang Facebook post na nagsasaad ng karanasan ng Kapuso actress-beauty queen na si Herlene Budol, na may kinalaman sa kababalaghan.

Makikita sa Halloween special ng "I-JUANder" ng GMA Public Affairs na itatampok sa kanilang episode ang karanasan ni Herlene na umano'y may nagsabi sa kaniyang nakita siyang pugot o nawawala ang kaniyang ulo.

Kuwento ni Herlene, isang di-kakilalang tao raw ang nagsabi sa kaniyang nakita siya nitong nawawala ang kaniyang ulo.

Sinabihan daw siya ng stranger na umuwi na siya dahil nakita siya nitong pugot ang ulo. Agad naman daw sumunod si Herlene dahil natakot siya sa sinabi nito.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Hindi na mababasa sa nabanggit na post ang mga sumunod na hakbang ni Herlene para labanan ang ibig ipahiwatig ng "pagkawala" ng ulo niya. Malalaman siguro kapag pinanood ang TV show. 

Sa pamahiing Pilipino, sinasabing kapag nakitaang walang ulo ang isang tao, ibig daw sabihin nito na sinusundo na siya ni Kamatayan.

Kaya ang dapat daw gawin, kung kakilala ang namataang walang ulo ay tapikin ang ulo nito, o kaya naman, ibaon sa lupa ang lahat ng mga damit na isinuot nito, o kaya ay sunugin.

Samantala, hindi lang si Herlene ang may ganiyang karanasan.

Maging ang kapwa Kapuso star na si Sanya Lopez ay minsan na ring nakitaang walang ulo, ng kaniyang sariling ina. 

MAKI-BALITA: Hindi arte lang! Mga artistang nakaranas ng legit na kababalaghan