October 23, 2024

Home SHOWBIZ

Shaira Diaz, muling naospital; umapela ng dasal!

Shaira Diaz, muling naospital; umapela ng dasal!
Photo Courtesy: Shaira Diaz (FB)

Isinugod muli sa ospital ang Kapuso actress-TV host na si Shaira Diaz batay sa kaniyang latest Facebook post nitong Miyerkules, Oktubre 23.

Sa nasabing post, makikita ang larawan niya sa loob ng isang silid ng pagamutan habang matabang na nakangiti.

“Here we are again… prayers needed thank you!” saad ni Shaira sa caption.

Nagpaabot naman ng mabubuting salita ang mga netizen para sa Kapuso actress. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Relasyon at Hiwalayan

Rufa Mae, nag-react sa usisa kung bakit wala siyang new pics sa IG ng mister

"Get well Ms. Shaira In Jesus name God will help you po "

"Sending prayers and hugs...get well soon "

"Speedy recovery and prayers "

"God will heal you. get well soon mare"

"Praying with you "

"Sending prayers and hugs...get well soon "

"Hala,,what happened again,,get well soon"

Matatandaang kamakailan lang ay sumailalim si Shaira sa laparoscopic appendectomy dahil umano sa appendix na triple ang laki sa normal na sukat nito.

MAKI-BALITA: 'Pray for me:' Shaira Diaz, sumailalim sa operasyon!