October 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Rufa Mae, nag-react sa usisa kung bakit wala siyang new pics sa IG ng mister

Rufa Mae, nag-react sa usisa kung bakit wala siyang new pics sa IG ng mister
Photo courtesy: Rufa Mae Quinto (IG)

Usap-usapan ang naging pang-uusisa ng isang netizen kay Kapuso comedy star Rufa Mae Quinto kung bakit wala na raw siyang mga larawan sa Instagram account ng kaniyang non-showbiz husband na si Trevor Magallanes.

Komento ng netizen sa isang Instagram post ni Peachy (palayaw ni Rufa Mae), "Bkit wala ka ng pictures sa IG ni Trev?"

Isang netizen naman ang sumopla sa nabanggit na commenter, "MOCA HINDI SILA KAGAYA MO AT NG ASAWA MO INUUNA MAG PICTURES KESA SA KUMAKALAM NA SIKMURA!"

Makikita namang pinusuan ni Rufa Mae ang nabanggit na panonopla ng netizen sa nabanggit na "uzi."

Relasyon at Hiwalayan

Rufa Mae Quinto inurirat, bakit wala na raw pics sa IG ng mister

Mukhang in good terms naman si Peachy at ang kaniyang mister base sa kaniyang reaksiyon.

MAKI-BALITA: Rufa Mae Quinto inurirat, bakit wala na raw pics sa IG ng mister