October 23, 2024

Home SHOWBIZ

SB19 'di nagpabayad sa Team Vice Ganda

SB19 'di nagpabayad sa Team Vice Ganda
Photo courtesy: SB19 (IG)

Special guests ang SB19 sa team nina Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang sa "Magpasikat 2024" ng noontime show na "It's Showtime," na isang tradisyon nang ginagawa ng hosts nito taon-taon.

Iginiit ni Vice na hindi raw humingi ng bayad ang SB19 at bagkus ay nag-ambag pa raw ng ideya sa kanilang brainstorming.

Kaya naman, malaki ang pasasalamat ng Team Vice Ganda para sa grupo, na matatandaang nabahiran ng isyu nang dahil sa patok na awiting "Gento."

Nangyari ito sa segment na "Isip Bata" ng noontime show noong Hunyo 10, 2023 kung saan hinamon ng isang kalahok ang host-dancer na si Jhong Hilario na sumayaw ng "Gento" na isa sa mga sikat na dance song na sinasabayan ngayon sa TikTok.

Bimby nagbiro kay Kris; di raw excited si P-Noy na maka-reunion siya sa langit

Payag naman si Jhong subalit biglang may sumigaw mula sa staff na "Bawal."

Halatang gulat naman dito sina Vice at Anne dahil hindi naman unang pagkakataong gagamitin ang Gento sa Showtime; sa katunayan, may TikTok video pa nga si Vice na kasa-kasama niya ang SB19 sa paghataw nito.

"Bawal, naniningil na sila, naniningil na. Yung 'Rampa' libre, ayaw niyong itry?" pabirong hirit ni Vice na tumutukoy sa kaniyang kanta.

Napakomento naman dito si Anne na tila gulat na gulat ding may ganoon pala.

"Talaga? Hindi ba good promo 'yon for the music industry? May ganon na pala, sayang," aniya.

MAKI-BALITA: Ilang fans ng SB19 pumalag kina Vice Ganda, Anne Curtis dahil sa 'Gento'

Tila hindi naman ito nagustuhan ng ilang SB19 fans kaya na-call out at na-bash nila sina Vice at Anne. Naging trending pa ang "Respect Local Artists."

Anila, karapatan ng SB19 maningil ng "music royalties" o songwriters, recording artists, publishers, music labels, at producers na gagamit sa kanilang na-compose o pinasikat na awitin, sa isang show na nagnanais na gumamit nito.

Ngunit depensa naman ng ilan, walang pambabastos sa mga sinabi nina Vice at Anne dahil maaaring nagulat lamang sila, dahil hindi naman na bago ang paggamit ng kanta sa isang show na gaya ng Showtime. Dati pa nga raw ay mas natutuwa pa ang local artists kapag ginagamit sa TV shows ang kanilang mga awitin dahil free promotion na rin ito.

Pero good thing na sa pag-guest nga ng SB19 sa Showtime ay mukhang in good terms naman sila.

Nagpasalamat naman ang SB19 sa Showtime, lalo na sa Team Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang dahil sa oportunidad na makasama sila sa Magpasikat.

"Sana lahat ng sana natin sa buhay ay makamit," mababasa sa caption.

"Salamat Ate @praybeytbenjamin , Ate @anakarylle , Kuya @ryanbang at sa buong Magpasikat Team para sa napaka-espesyal na araw na ito upang ipaalala na palaging mayroong pag-asa," anila pa.