October 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ion Perez, aatras sa pagkandidato bilang konsehal?

Ion Perez, aatras sa pagkandidato bilang konsehal?
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Tila naging bukas sa iba’t ibang pagpapakahulugan ang umano’y buradong Facebook post ni “It’s Showtime” Ion Perez.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, Oktubre 21, tinalakay ni showbiz insider Ogie Diaz kasama ang mga co-host niyang sina Mama Loi ang tungkol dito.

“Ang post kasi ni Ion was, ‘Salamat sa sign, Lord. Alam ko mas makakabuti itong desisyon ko para sa sarili ko.’ Tapos noong sinend sa akin ni Mrena, ini-scroll-scroll ko ‘yong mga comments,” lahad ni Mama Loi.

Dagdag pa niya: “So ‘yong iba tinatanong, aatras ka na ba sa kandidatura

Tsika at Intriga

Heart Evangelista, nagsalita na sa 'hidwaan' nila ni Pia Wurtzbach

 mo? E, ‘di ba naibalita mo, Nay, na feeling mo may aatras?”

Sagot ni Ogie: “Kung pagbabatayan natin ‘yong cryptic post na ‘yan ni Ion Perez…kasi nakaitim ‘yong background niya. So, parang malungkot na balita ‘yong dating. Na parang, ‘ano ‘to? Aatras ba ‘to?’”

“Kasi kung makakabuti itong desisyon ko para sa sarili ko, dapat hindi black ‘yong background,” dugtong pa niya.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon si Ion tungkol sa nasabing tsika.

Matatandaang sa unang araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) noong Oktubre 1 ay naghain si Ion ng kandidatura sa pagka-konsehal ng Concepcion, Tarlac.

MAKI-BALITA: Ion Perez, tatakbong konsehal sa Tarlac