October 21, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

TJ Monterde, KZ Tandingan proud 'parents' kay BINI Colet

TJ Monterde, KZ Tandingan proud 'parents' kay BINI Colet
Photo Courtesy: BINI Colet (IG)

Tila walang paglagyan ang naramdamang saya ni BINI member Colet Vergara nang makasama niya ang mag-asawang singer-songwriters na sina TJ Monterde at KZ Tandingan.

Sa isang Instagram story ni Colet nitong Linggo, Oktubre 20, makikita ang larawan nilang tatlo na magkakasama.

“PARENTSSSSS!!!” saad ni Colet sa text caption.

Ni-reshare naman ni TJ ang nasabing IG story at inihayag ang pagiging proud parents nila ni KZ para kay Colet.

Musika at Kanta

Jona bumirit sa ASAP na puro 'Hmm-Hmm' at 'Eh-Eh' sa lyrics, umani ng reaksiyon

“Proud na proud kami sa ‘yo, anak,” sulat ni TJ. “Sa wakas, may BINI na kami.”

Hindi naman kataka-taka kung bakit proud na proud ang mag-asawa sa BINI member. Sa kasalukuyan kasi ay namamayagpag sa music industry ang kinabibilangan nitong grupo.

Bukod sa dagsang endorsements, nakatakda ring ganapin ang kanilang tatlong araw na “Grand BINIverse Concert” sa Araneta Coliseum sa darating na Nobyembre 16, 17, at 18.

Samantala, tila may concert ding ilulunsad si TJ next year base sa video teaser na inilabas niya kamakailan sa kaniyang Instagram account.

Pero sa ngayon, may tour siya sa Canada kasama si KZ bilang special guest.