October 21, 2024

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Owner ni 'Abba' hinahanap ng AKF: 'Let's bring justice to Abba'

Owner ni 'Abba' hinahanap ng AKF: 'Let's bring justice to Abba'
Photo courtesy: Animal Kingdom Foundation/FB

Kasalukuyang hinahanap ngayon ng Animal Kingdom Foundation (AKF) ang nagmamay-ari sa nag-viral na asong si "Abba" upang magbigyang-hustisya umano ang pagkamatay ng rescued dog.

Matatandaang inihayag kamakailan ng AKF ang pagkamatay ng naturang rescued dog. Si Abba ang asong naiulat na iniwanan sa tabi ng isang basurahan habang may nakatusok pang dextrose sa kaniyang katawan.

BASAHIN: Asong naka-dextrose na ni-rescue mula sa basurahan, pumanaw na

Samantala nito namang Lunes, Oktubre 21, humihingi ng tulong ang AKF upang mahanap ang owner ni Abba upang mapanagot daw ito. 

Kahayupan (Pets)

Kambing, naispatang nakatali sa isang umaandar na kotse

"Justice for Abba! Abba needs your help! If you have any information about Abba’s owner, please DM us. All details will be kept confidential," anang AKF sa kanilang Facebook post.

Dagdag pa nila, "Together, we can ensure that no animal has to suffer in silence. Your voice could make all the difference! Let's bring Justice to Abba."