Tila ipinakita ng isang tuta ang tamang “acts of service” sa maraming netizens nang mag-viral ang video nitong ipinagbubungkal ng lupa ang kasamang kuting upang makadumi.
Mapapanood sa nasabing TikTok reel ng uploader na si “sky_lahhh” na tahimik na pinagmamasdan ng kuting ang ginagawang pagbubungkal ng lupa ng tuta bago siya makadumi.
Dahil sa bibihirang sweet moment na ito, ang reel ay kasalakuyan nang nasa 1.7 milyon engagements at 4,993 comments, kung saan, bumuhos ang pagkatuwa at pagkakilig ng netizens.
“definition of a gentleman”
"baby,napopoo po ako" "sige po"
“a baby taking care of a baby”
“princess cat ang atake ang cutie ”
“bff premium fully paid promax”
“ang cuteee! how sweet naman”
“halatang act of service ang love language ni mingming”
Ang ilan naman, hindi napigilang mainggit sa naging “acts of service” ng tuta at kuting, habang may ibang humingi ng ganito ring treatment sa sarili nilang love life.
“mas tinatrato pa siya ng tama kesa sakin”
“Lord wala na talaga akong lugar sa mundong nilikha mo. Sa hayowp may special treatment, pag sakin dadating din yung tamang panahon?”
“when am i gonna get this treatment”
Dahil na rin sa cute at kilig na moment na ito ng dalawa, kasama rin sa nag-repost ng reel ay si BINI Sheena Catacutan.