October 20, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Alyssa Valdez sa love life: 'It should be inspiring!'

Alyssa Valdez sa love life: 'It should be inspiring!'
Photo Courtesy: Screenshot from Bernadette Sembrano (YT)

Ibinahagi ng volleyball superstar player na si Alyssa Valdez kung ano nga ba ang natutuhan niya patungkol sa love life.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano nitong Sabado, Oktubre 19, naniniwala si Alyssa na dapat, inspiring daw ang love life ng isang tao.

“It should be inspiring. It should inspire you. I think ‘yon ‘yong natutuhan ko sa love life ko,” saad ni Alyssa.

Maliban dito, nausisa rin kay Alyssa kung nakikita raw ba niya ang sariling bumubuo ng pamilya in the near future.

Relasyon at Hiwalayan

Kris, ikakasal na nga ba talaga sa jowang doktor?

“Few years back before the injuries, before the pandemic as well. I’d say I always…see myself watching playing any sports,” lahad ng volleyball superstar player.

Dagdag pa niya, “As in ‘yon ‘yong dream. Parang ‘wow parang it’s nice to see watch your kids, play the sports. Support him or her.”

Pero sa ngayon, nagkaroon daw ng mga pintong nagbukas bagama’t hindi naman niya sinasabing hindi niya naiisip ang pagpapamilya.

“So, I think what I’ve learned din is to actually focus on the present,” aniya. 

Matatandaang noong 2022, kinumpirma nina Alyssa at professional basketball player Kiefer Ravena Alyssa ang hiwalayan nila matapos ang anim na taong relasyon.

MAKI-BALITA: Kiefer Ravena may bagong jowa na?