October 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

McCoy De Leon, may babaeng palihim na kinikita?

McCoy De Leon, may babaeng palihim na kinikita?
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Updates (YT), Freepik

May nakarating umanong private message sa showbiz insider na si Ogie Diaz tungkol kay “FPJ’s Batang Quiapo” star McCoy De Leon.

Sa isang episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, inispluk ni Ogie kung ano ang laman ng mensaheng natanggap niya.

“Parang sinusumbong niya si McCoy De Leon na alam daw ba ni Elisse Joson na mayroong iba raw na kinakalantari itong si McCoy. Diyos ko!” lahad ni Ogie.

“Tapos sabi naman sa akin ng source ko, ‘Ma, paano kaya ito? Parang ano mayroon namang himig na hindi raw kaya galing sa kampo ni Elisse iyon?’” wika pa niya.

Tsika at Intriga

Alden Richards, binigyan ng singsing si Kathryn Bernardo?

Kaya naman payo ni Ogie sa aktor: “Mas maganda, linawin ni McCoy ‘yan. Kasi ‘di ba, minsan na ring nalagay sa alanganin ang kanilang relasyon dahil din sa third-party.”

“Kasi halata raw na ‘yong nag-message e kagagawa lang o fresh ‘yong Instagram account na ginawa,” dugtong pa ng showbiz insider. 

Bukod kay McCoy, hinimok din ni Ogie na magsalita si Elissa hinggil sa nasabing isyu. Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa silang inilalabas na pahayag.

Matatandaang matapos mapaulat ang hiwalayan nina McCoy at Elisse noong 2023 ay lumutang din kalaunan ang kuwento na muli silang nagkabalikan.

MAKI-BALITA: McCoy at Elisse, nagkabalikan nga ba?