October 23, 2024

Home SHOWBIZ Events

Headshot ni Chelsea Manalo, usap-usapan; Catriona Gray, nag-react

Headshot ni Chelsea Manalo, usap-usapan; Catriona Gray, nag-react

Umani ng reaksiyon at komento ang headshot ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo mula sa Bulacan, na siyang pambato ng Pilipinas sa 73rd Miss Universe 2024 na gaganapin sa Mexico City sa darating na Nobyembre 17, 2024.

Mukhang handang-handa nang sumabak si Chelsea matapos nga niyang i-post ang kaniyang larawan.

"Philippines, let’s make it happen! ," caption ni Chelsea sa kaniyang post.

Kapansin-pansin naman ang buhos ng pagbati at pagsuporta sa kaniya, lalo na mula kay Miss Universe 2018 Catriona Gray, matapos nitong magkomento ng simpleng emojis ng Philippine flag.

Events

JK Labajo, mapapaput*ng-ina sa darating na concert: 'Dapat sabayan ako ng crowd'

Kinilig naman ang fans dahil nagmistulang basbas na raw ito mula kay Queen Cat.

Samantala, usap-usapang dalawa pang kandidatang may dugong Pilipina ang makakalaban ni Chelsea sa nabanggit na kompetisyon.

MAKI-BALITA: Chelsea Manalo, may makakalabang 2 half-Pinay sa Miss Universe 2024