October 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Alden Richards, binigyan ng singsing si Kathryn Bernardo?

Alden Richards, binigyan ng singsing si Kathryn Bernardo?
Photo Courtesy: Star Cinema (IG), Freepik

Sumalang sa “Lie Detector Test” sina “Hello, Love, Again” stars Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Sa panayam ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe noong Biyernes,  Oktubre 18, natanong si Alden kung bukod sa bulaklak ay binigyan din ba niya ng singsing ang co-star.

Nagkatinginan pa ang dalawa bago sumagot si Alden. “Yes, yes.”

“We came from a party of a friend. And then afterwards, doon na nag-message lang sa akin si Kath. She lost her ring,” kuwento ng aktor.

Tsika at Intriga

McCoy De Leon, may babaeng palihim na kinikita?

Sabad naman ni Kathryn: “It’s not a ring. It’s like a health ring.”

“So parang nag-extra effort lang naman tayo nang kaunti,” wika ni Alden.

Pero eventually, nahanap din naman daw ni Kathryn ang nawalang singsing. Kaya ngayon, dala-dalawang singsing na ang suot niya.

Maliban dito, naitanong din kay Kathryn ang tungkol sa pinag-usapang TikTok video niya kung saan tampok ang braso ng mystery man na nakasuot ng white jacket.

“Si Kuya Arlie ‘yon. Kasi ang tagal ko nang hindi nag-TikTok tapos nag-taping kami no’n for ‘All-Out Sunday.’ Then sabi ko, parang I wanna do TikTok. Pero jacket ni Tisoy [Alden] ‘yon,” aniya.

MAKI-BALITA: Braso ng 'cute boy' na naka-white jacket, pinasilip ni Kathryn Bernardo