October 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

EA Guzman, Shaira Diaz pinaghahandaan na ang kasal

EA Guzman, Shaira Diaz pinaghahandaan na ang kasal
Photo Courtesy: EA Guzman (FB)

Nagbigay ng update si Kapuso actor EA Guzman tungkol sa kasal nila ng fiancée niyang si Shaira Diaz.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Biyernes, Oktubre 18, sinabi ni EA na pinupuntahan na raw nila ngayon ni Shaira ang kanilang mga magiging ninong at ninang.

“Siyempre, we wanna show our sincerity and faithful kami sa kanila. And siyempre ‘yong plano, lahat na-finalize na namin,” saad ni EA.

Dagdag pa ng aktor: “Gusto namin tapusin siya by December, okay na kami. Para by January, ‘yong mga maliliit na lang ang aayusin. Ayun! Finally okay na. Sasabihin naman namin sa inyo kung malapit na siya.”

Relasyon at Hiwalayan

Julia Barretto, Gerald Anderson sinulit ang isa't isa sa El Nido

Sa kasalukuyan, hindi pa raw makapagbigay ng eksaktong petsa si EA kung kailan. Ngunit tiyak daw na next year na ito gaganapin dahil handa naman na raw sila ni Shaira.

Aniya, “Ako, reding-ready na talaga. Si Shaira reding-ready na rin. Pina-finalize lang namin talaga lahat is this year, and after that, okay na.”

Tila malapit nang lumagay sa tahimik ang celebrity couple. Matatandaang noong Pebrero ay inanunsiyo nina EA at Shaira sa “Unang Hirit” na engage na raw sila noon pang Disyembre 2021.

MAKI-BALITA: Shaira Diaz, tatanggihan daw sana proposal ni EA Guzman?