October 23, 2024

Home SHOWBIZ

Carlos Yulo, nag-react sa paggaya sa kaniya ni Eumir Marcial na mag-crop top

Carlos Yulo, nag-react sa paggaya sa kaniya ni Eumir Marcial na mag-crop top

Nagbigay ng reaksiyon si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa pagsusuot ng crop top ni Filipino Olympic boxer Eumir Marcial, na aminadong na-inspire kay Caloy.

Nauuso ngayon ang pagsusuot ng crop top sa male celebrities ha, pero siyempre, ang mga may guts lang para gumawa nito ay mga maipagmamalaking katawan talaga.

Isa nga sa mga nakiuso sa challenge ay si Caloy, na talagang dinumog din ng mga komento mula sa netizens.

"bro hindi na talaga ako nakatiis," caption ni Eumir sa kaniyang Instagram post, na naka-tag sa Instagram account ni Caloy.

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

At mukhang aprub naman kay Caloy ang pa-crop top ng Filipino boxer.

"HAHAHA YAAAAAS KUYA! POGI" saad ni Carlos.

MAKI-BALITA: Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!