October 15, 2024

Home BALITA Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder
photo courtesy: Pexels

Patay ang 72-anyos na lalaki sa Iloilo matapos umanong paluin ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis, na may mental disorder daw.

Sa ulat ng GMA News, ikinagulat umano ng mga kapitbahay ng mag-asawa ang nangyaring insideten dahil hindi naman daw anila naririnig na nag-aaway ang mga ito. 

Ipinaliwanag naman ng kapatid ng suspek na matagal na umanong may sakit sa pag-iisip ang suspek, kung kaya't hindi raw ito nakakatulog at may bumubulong daw na gawin ang krimen. 

Samantala, ayon din sa ulat, sumuko ang misis sa pulisya. 

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar