October 14, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Usap-usapan ang pinakawalang punchline o biro ni Unkabogable Star Vice Ganda sa "Tawag ng Tanghalan" segment ng noontime show na "It's Showtime" habang kinakapanayam niya ang isang contestant.

Pinuri kasi ni Vice ang isang kalahok na kumanta ng "You Are My Destiny" ni Paul Anka, at sinabing parang pang-Linggo raw ang boses nito, o naririnig sa tuwing sasapit ang araw ng Linggo at nagsasadya sa mga simbahan at panambahan ang karamihan ng mga tao.

Tinanong ni Meme Vice ang contestant kung anong ginagawa nito tuwing Linggo. Nang sabihin naman ng contestant na nagsisimba, dito na sumundot ng tanong ang komedyante-host ng "Anong kinakanta sa simbahan?"

Bagay na siya rin naman agad ang sumagot, "Dancing Queen. Charot!"

Tsika at Intriga

Willie Revillame, kinuhang fitness coach ang sports therapist ni Carlos Yulo

"Charot lang, kayo naman! Sinasakyan ko lang 'yong mga eksena n'yo," paglilinaw ni Vice Ganda.

Matatandaang nagkaroon ng isyu kay Julie Anne matapos ang kaniyang performance sa loob ng isang simbahan sa Occidental Mindoro, matapos siyang maimbitahan sa isang kapistahan.

Inulan ng kritisismo si Julie Anne matapos ang kaniyang performance ng "Dancing Queen" ng Abba. Bukod dito, kinuwestyon din ng netizens ang kaniyang kasuotan, na hindi raw appropriate sa venue.

Naglabas naman ng public apology ang Sparkle GMA Artist Center, ang kura paroko ng simbahan, at mismong si Julie Anne tungkol dito.

MAKI-BALITA: Julie Anne San Jose, humingi ng tawad sa ‘concert issue’ sa loob ng simbahan

MAKI-BALITA: Kura paroko ng simbahan kung saan nag-perform si Julie Anne, nagsalita na

KAUGNAY NA BALITA: Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose

Nakakaloka naman ang komento ng mga netizen. May ilang natawa sa hirit ni Vice, may ilang sanay na sa paraan nito ng pagbibiro, at may ilang nagsabing dapat daw alalahanin ng komedyante n umeere sa GMA Network ang It's Showtime.