May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kura paroko ng simbahan kung saan nag-perform si Julie Anne, nagsalita na

Kura paroko ng simbahan kung saan nag-perform si Julie Anne, nagsalita na
Photo courtesy: via Balita/Nuestra Señora del Pilar Shrine and Parish Mamburao (FB)

Naglabas ng opisyal na paghingi ng paumanhin ang parish priest ng Nuestra Senora del Pilar Shrine and Parish sa Mamburao, Occidental Mindoro kung saan nagsagawa ng "Heavenly Harmony Concert" noong Oktubre 6 ang Asia's Limitless Star at Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose, matapos itong umani ng kritisismo dahil sa mala-concert na performance sa loob mismo ng simbahan.

Bagama't humingi na ng paumanhin sina Julie Anne at maging ang Sparkle GMA Artist Center sa mga nangyari, inako naman ng kura paroko ng simbahan na si Fr. Carlito Meim Dimaano ang lahat ng mga nangyari.

KAUGNAY NA BALITA: Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose

MAKI-BALITA: Julie Anne San Jose, humingi ng tawad sa ‘concert issue’ sa loob ng simbahan

Mababasa sa pahayag ni Fr. Carlito na buong pagpapakumbabang-loob na humihingi siya ng tawad sa lahat ng mga nasaktan sa nabanggit na secular concert.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"Inaamin ko pong may mga mali kaming desisyon dito. Inaako ko po ang lahat ng mga pagkakamaling ito," saad ng pari.

Herewith... - Roman Catholic Apostolic Vicariate of San Jose - Mindoro | Facebook

Personal ding nag-sorry ang pari kina Julie Anne at isa pang GMA artist na si Jessica Villarubin.

Humingi rin ng paumanhin ang kura paroko sa obispo na si Bishop Pablito Tagura dahil sa mga nangyari.

Giit pa ng pari, natuto raw siya sa nabanggit na pagkakamali, at kung maibabalik lang daw niya ang panahon, isasagawa raw niya nang tama ang pagpupugay kay Maria. Nangako ang pari na hindi na raw mauulit ang mga nangyari.