October 14, 2024

Home SHOWBIZ

Alex Gonzaga, puwede na bang magbuntis ulit?

Alex Gonzaga, puwede na bang magbuntis ulit?
Photo Courtesy: Alex Gonzaga (IG)

Tila nasa maayos na lagay na raw ang katawan ngayon ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga para sa pagbubuntis.

Sa ulat ng ABS-CBN News kamakailan, sinabi ni Alex na puwede na raw siyang magdalang-tao anytime.

“My last test, positive na po ‘yong katawan ko so any time puwede na po tayong mabuntis. Kasi tiningnan ‘yong blood. Gano’n pala ‘yon. Right now, it’s positive, it’s 60 percent okay so any time na po,” saad ni Alex.

Maliban dito ay ibinahagi rin ni Alex ang dahilan kung bakit daw siya nahihirapang makabuo ng bata sa sinapupunan.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

“One of the reasons kaya hirap akong mabuntis is masyadong mataas ang immune system ko na hindi ko po alam kung bakit,” aniya.

Dagdag pa niya: “There’s something wrong with my thyroglobulin na sinabi ng doctor ko.”

Matatandaang Nobyembre 2023 nang ibahagi ni Alex sa vlog ng ate niyang si Toni Gonzaga ang tungkol pangalawa niyang miscarriage.

MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, muling nakunan