October 23, 2024

Home SHOWBIZ

Marian bet muling makatrabaho sina Esnyr, Sassa Gurl

Marian bet muling makatrabaho sina Esnyr, Sassa Gurl
Photo Courtesy: Marian Rivera, Sassa Gurl (IG)

Naghayag ng interes si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na muling makatrabaho ang dalawang content creator na sina Esnyr at Sassa Gurl.

Sa ulat ng GMA Integrated News nitong Sabado, Oktubre 12, inilahad ni Marian kung anong klaseng proyekto ang gusto niyang gawin kasama ang dalawa.

“Baka naman kaya natin serious [na project], pero may twist,” saad ni Marian.

Ngunit aminado ang Kapuso Primetime Queen na magiging mapanghamon daw ang pakikipagtrabaho kina Sassa at Esnyr dahil sa katangian ng mga ito.

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

“Wala pa silang sinasabi, tawa na ako nang tawa. Mga lukaret ‘yung dalawang ‘yon,” sabi pa niya.

Maliban kina Sassa at Esnyr bukas din daw si Marian na makatrabaho pa ang mas maraming content creator.

Matatandaang nakasama ni Marian sina Sassa at Esnyr sa pelikulang “Balota” kung saan niya nasungkit ang “Best Actress” sa ginanap na 20th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival awards night sa Ayala Malls Manila Bay noong Agosto.

Muling mapapanood ang “Balota” sa darating na Oktubre 16 sa mga sinehan nationwide.

MAKI-BALITA: 'Bonggang birthday gift!' Marian Rivera, 'Best Actress' sa Cinemalaya 2024