October 14, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jon Lucas nag-react sa photo ng SB19 sa Billboard PH, inalala ang Hashtags

Jon Lucas nag-react sa photo ng SB19 sa Billboard PH, inalala ang Hashtags
Photo courtesy: Showtime Hashtags Boys (FB)/Billboard Philippines

Napa-react ang Kapuso actor at dating Hashtags member ng noontime show na "It's Showtime" na si Jon Lucas sa inilabas na poster ng Billboard Philippines na nagtatampok sa all-male Pinoy pop group na SB19.

Nanariwa sa dating Hashtags member ang kaniyang grupo, at nagkaroon siya ng realization kung bakit hindi sila ginawa nang ganoong klaseng larawan noong existing pa ang grupo.

"Kaya siguro hindi kami nagawan ng ganito dati sa Hashtags, kasi imagine mo si Nikko itatabi kay Zeus edi hanggang leeg. Tapos si McCoy naman itatabi kay Luke Conde edi baka hanggang dibdib din. Tapos isipin mo itatabi yung panga ko sa panga ni Tom Olaf Johnson Doromal edi nagkabanggan pa. BUGOY hindi na kita isasama at baka itabi ka pa kay Kid magiging Batang Ama pa," aniya.

Aljhon Lucas - Kaya siguro hindi kami nagawan ng ganito dati sa... | Facebook

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

Sinagot din ni Jon ang ilang bashers na nagsabing huwag ikompara ang Hashtags sa SB19.

"Ang dami naman namemersonal dito wala naman kami sinabing masama sakanila. Kagrupo ko pa nga napasama eh," ani Jon.