May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kuya Kim kung bakit 'bastos' na raw mga bata ngayon: 'Natutunan sa matatanda!'

Kuya Kim kung bakit 'bastos' na raw mga bata ngayon: 'Natutunan sa matatanda!'
Photo courtesy: MB File Photo

Umani ng samu't saring reaksiyon at komento mula sa nga netizen ang umano'y sagot ni GMA News trivia master at TiktoClock host Kim Atienza sa tanong na kung bakit ang "babastos" na raw ng kabataan sa kasalukuyan.

Na-screenshot ng mga netizen ang naging sagot ni Kuya Kim sa isang Threads user na nagbulalas ng kaniyang saloobin kung bakit iba na raw ang behavior ng kabataan ngayon.

Mababasa sa tanong ng netizen sa Threads post, "Bakit ang babastos na ng mga bata ngayon!"

Sagot naman ni Kuya Kim, "Natutunan sa matatanda."

May 4.3k heart likes, 34 comments, at 108 shared post naman ang naging simpleng sagot ni Kuya Kim.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Marami naman ang sumang-ayon kay Kuya Kim, na anumang behavior ng isang bata, sa salita man o kilos, ay maaaring nakopya niya sa nakatatanda.

"The faults of the young are the failures of the old."

"Totoo naman eh. Ang manners nahuhubog yan sa tahanan. Kung walang manners ang magulang at pamilya malamang ganyan din mga bata."

"The younger generation refuse to give respect to those who were rude to them. Respect goes both ways, you won't get it just because you're closer to the ground."

"Ang mali ng matanda ay nagiging tama sa mga mata ng bata."

"Your home is a reflection of who you are."

"Yes. It's how parenting works and is influenced."