October 12, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Tsika ni Cristy: Alden, Kathryn magkarelasyon na?

Tsika ni Cristy: Alden, Kathryn magkarelasyon na?
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Now Na (YT)

Tila kinukutuban na umano ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin hinggil sa totoong namamagitan kina “Hello, Love, Again” lead stars Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Biyernes, Oktubre 12, sinabi ni Cristy na gusto raw niyang maniwalang mag-jowa na raw ang dalawang artista lalo na ngayong inilabas na ang official trailer ng “Hello, Love, Goodbye” sequel.

MAKI-BALITA: Trailer ng 'Hello, Love, Again' mapanakit; theme song, 'Palagi' nina TJ Monterde-KZ Tandingan

“Gusto kong maniwala sila na ngayon. Kakaiba po, e. Kasi noon, medyo ilang-ilang pa si Alden. Pumupunta siya sa bahay nina Kathryn pero alam mong may espasyo pa. Mayroon pang distansiya,” saad ni Cristy.

Tsika at Intriga

RR sa pag-zumba ni Diwata: 'Dating hindi namamansin, ngayon nagpapapansin?'

Dagdag pa niya: “Pero ngayon, ang mga pamangkin ni Kathryn, kinakarga [ni Alden], nilalaro. At si Tita Min [Bernardo] pa ang nagpo-post.”

MAKI-BALITA: 'May nanalo na!' Alden Richards, flinex ng ina ni Kathryn Bernardo

Maging ang dalawang co-host ni Cristy na sina Romel Chika at Wendell Alvarez ay sumasang-ayon sa kutob niya kaugnay sa real-score nina Alden at Kathryn.

Ayon kay Romel: “Mayroon na silang namamagitan sa isa’t isa.”

“Ako rin, sa tingin ko rin,” segunda naman ni Wendell.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag ang dalawa para pabulaanan o kumpirmahin ang naturang tsika maliban sa isang panayam ni Alden kung saan niya sinabi ang isang makahulugang “what you is what you get” nang tanungin siya tungkol sa namamagitan sa kanila ni Kathryn.

MAKI-BALITA: Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’