November 05, 2024

Home BALITA Eleksyon

Willie, makikipag-away din daw sa senado: 'Para sa mahihirap!'

Willie, makikipag-away din daw sa senado: 'Para sa mahihirap!'
Photo Courtesy: Screenshot from One PH (YT), Arnold Quizol via MB (FB)

Tila handa rin umanong makisali ang ‘Wil To Win” host na si Wiliie Revillame sa gitna ng nangyayaring bangayan sa senado.

Sa primetime newscast na “The Big Story” nitong Martes, Oktubre 8, sinabi ni Willie na naawa raw siya sa mga Pilipino nang makita ang tila walang katapusang away ng mga nasa senado at kongreso.

“No’ng nakita ko ‘yong awayan nang awayan sa congress, awayan nang awayan sa senado, sabi ko, ‘kawawa ang mga Pilipino,’” lahad ni Willie.

“Ito ‘yong mga taong ibinoto, ito ‘yong mga taong pinagkakatiwalaan pero nakakalimutan ‘yong mga kawawang kababayan natin,” aniya.

Eleksyon

Mula WPP: Apollo Quiboloy, nais nang tumakbong senador bilang ‘independent’

Dagdag pa ng TV host: “I thought baka makatulong ako kahit papaano. Siguro makikipag-away ako sa senado kahit kanino para sa mahihiirap.”

Matatandaang sa panayam nina Gretchen kay Willie noong Hulyo sa no-holds barred conversation na “Seryosong Usapan” kasama sina Ed Lingao, Patrick Paez at Lourd De Veyra ng TV  5, inamin nito na nawawalan na raw siya ng ganang pumasok pa sa politika dahil sa kawalan ng pagkakaisa ng mga public official.

MAKI-BALITA: Willie, nawalan ng amor pumasok sa politika dahil parang walang unity

Pero sa huling araw ng certificate of candidacy (COC) ng Commission on Elections (Comelec) nito ring Martes, Oktubre 8, naghain ng kandidatura si Willie sa pagkasenador sa The Manila Hotel Tent City.

MAKI-BALITA: Willie nag-file ng COC, ibinunyag nag-udyok para tumakbong senador